Kaninang maga, paggising ko bumungad sakin un text ng bebe ko. “Bebe diba uuwi tatay mo ngayon? anong oras?” Nagulat ako. Fuck, bat niya tinanong kaya. Pupunta siguro to dito sa bahay! Tinext ko kagad siya ” Ahmm bebe mamayang hapon pa uuwi yun. bakit pupunta kba ngayon? ala namang pakeelam yun kung maabutan ka niya dito eh, bkt natanong mo?” Tapos ang bagal bagal niya mag reply. Ako tuwang-tuwa. Kako baka gumagayak nato. Yes makakapag kita na kami. Oh yess!!! Tapos nagreply siya..
Bebe: Nagtatanong lang dre.
Ako: Ay. *Putang ina, nag expect nanaman ako*
Bebe: Sige maliligo nako ang inet eh.
Tapos gusto ko ng umiyak. Naiinis nako, gusto ko na manapak ng lalake nun. Kasi isipin niyi naman dba, anong purpose ng pagtatanong niy akung anong oras uuwi si daddy. Bkt? May appointment kayo teh? Nangingiyak-ngiyak nako kasi sabi ko ang tanga-tanga ko akala ko panaman pupunta siya. Putang ina! Ang tanga ko. Huhuhu :’(
Pero di ako nawalan ng pag-asa, pupunta si bebe. Di niya ko paaasahin. Tinatak ko sa utak ko yan, bawat daan ng tricycle sa harap ng bahay ineexpecvt kong si bebe ang sakay nun. Tapos nawalan nako ng pag-asa. Sabi ko sa sarili ko pag abot ng 2:00 di nako aasa, move on na. hindi talaga siya pupunta. Pag tingin ko sa phone ko 1:58 na. Ayun nawalan nako ng pag asa, humiga na lang ako tapos iniisip ko kung gano ko katanga at nag expect ako. Tapos may dumaan na tricycle, bumangon ako. Inintay ko, bat ang tagal. Biglang may kumatok sa gate! Ay puta, kilala ko na to!
Pag bukas ko ng gate..
Bebe: Surprise!!!!!!
Ako: *hinila sa loob ng bahay kasi ang ingay ng mga aso nag tatatahol na.*
Ako: Putang ina mo! * With matching bugbog pa yan.*
Bebe: Hala bakit?* tumatawa ng pang inis* Hindi ka ba natutuwa at andito ko? Binubugbog mo pako! Ano ba yan, ganyan ba tlga pag sinusurprise ka?!
Tapos ayun, sinulit ko sa akap at kiss si bebe. sobrang saya ko nun, naiiyak na nga ako eh kaso ka OA naman kung iiyak ako. Basta diko maexpress yun saya ko kanina, after a week, gumawa padin ng way para magkita kame. Haaay. :”>